Uy! Tataya na ‘yan!

Milyon-milyong jackpot prizes ng dalawang lotto games ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang puwedeng mapanalunan ngayong Monday draw, Nobyembre 20.

National

Leni Robredo binisita puntod ng asawa bago tuluyang naghain ng COC sa Naga City

Sa jackpot estimates ng PCSO, papalo sa ₱29.7 milyon ang premyo ng Grand Lotto 6/55 habang ₱26 milyon naman ang Mega Lotto 6/45.

Nakatakdang bolahin ang mga naturang laro mamayang alas-9 ng gabi.

Nauna na ring sinabi ng PCSO na sa halagang ₱20 ay puwede nang maging instant milyonaryo.

Binobola ang Grand Lotto tuwing Lunes, Miyerkules, at Sabado habang ang Mega Lotto ay kada Lunes, Miyerkules, at Biyernes.