"Magkapitbahay lang kami!"

Iyan ang natatawang sagot ng "Abot Kamay na Pangarap" star na si Kazel Kinouchi matapos uriratin ng mga katkaterang marites sa kaniyang live selling sa TikTok, tungkol sa isyung ipinupukol sa kanilang dalawa ng Kapamilya star na si Richard Gutierrez.

Sey ni Kazel, walang katotohanan ang mga kumakalat na tsismis tungkol sa kanila ni Richard.

"Hindi po totoo 'yon... ang ganda ko naman po... grabe kayo ha... ang haba naman ng hair ko, guys," sey ni Kazel.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"Thank you for free publicity but sad to say that's not true, so wala kayong juice na makukuha from me," natatawang giit pa ni Kazel.

"Kapitbahay lang po namin 'yon, maawa po kayo sa akin, huwag ninyo akong pagtsismisan."

Biro pa nga ni Kazel, ang taas daw ng views ng live niya dahil sa mga nakaabang na tsismoso't tsismosa tungkol sa kanila.

Pinapakalat kasi ng mga marites na naispatan daw silang "magkasama" sa isang area sa isang Halloween party; at ang siste, kasama pa ni Chard ang dalawang junakis nila ng misis na si Sarah Lahbati.

MAKI-BALITA: Kazel Kinouchi at Richard Gutierrez iniintriga, inurirat sa socmed

MAKI-BALITA: Kazel Kinouchi sinagot katkaterang netizen tungkol kay Richard Gutierrez

Kamakailan lamang, bali-balitang hiwalay na raw ang dalawa dahil hindi na napagkikita ang mga larawan nila together sa social media; kung mag-update man sila, kani-kaniyang pa-picture na lang sila sa mga anak nila.

Kaya paglilinaw ni Kazel, kapitbahay as in neighborhood lang talaga ang relasyon nila ni Chard, as in wala silang ibang romantikong relasyon at sana ay huwag nang haluan nang malisya kung makita o maispatan man silang nasa iisang lugar.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Richard tungkol dito.