Tila walang pagsidlan ang saya ng direktor na si Darryl Yap nang matalo ang pambato ng Thailand sa Miss Universe 2023.

Sa Facebook post ni Darryl nitong Linggo, Nobyembre 19, makikita kung gaano siya kasaya sa pagkatalo ni Miss Thailand Anntonia Porsild.

“BASTA TALO THAILAND, OK NA YAN!!!! HAAHHAHAAHAHAHAHAHAHAHAHA! HAHAHAHAHAHAAHAHAHAHAHAHA! HAHAHAHAHAHAAHAHAHAHAHAHA!” saad ni Darryl sa naturang post.

“Anong ASIA ASIA! HINDI!! HOOOOO TALO THAILAND HAHAHAAHAH,” dagdag pa niya sa comment section.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Wala na rin siyang idinagdag na detalye kung bakit masaya siyang natalo ang Thailand. 

Matatandaaang si Miss Nicaragua Sheynnis Palacios ang kinoronahan bilang Miss Universe 2023. Samantalang first runner-up naman si Miss Thailand at second runner-up naman si Miss Australia Moraya Wilson.

Naungkat naman sa comment section ang kontrobersiyal na art cart ng Miss Universe Top 5 kung saan ang naroong pangalan at larawan ay kay Miss Philippines 2023 Michelle Dee sa halip na kay Miss Thailand.

MAKI-BALITA: ‘Cooking Show,’ ‘Walang Kakain’ at ‘Steve Harvey’ trending dahil sa Miss Universe