Naaalala mo pa ba ang theme song ng morning talk show noon ni Kris Aquino na “Kris TV?”

Sa pagbisita ni Angeline Quinto kay Kris, muli niyang kinanta ang theme song ng morning talk show na “Kris TV.” Siya kasi ang orihinal na kumanta nito.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Shinare ni Kris sa kaniyang Instagram post nitong Lunes, Nobyembre 20, ang video ni Angeline habang kinakanta ang theme song ng Kris TV na umere noong 2011.

“Thank you for visiting me @loveangelinequinto… it’s a great feeling to reminisce. That’s the good thing about the past, you get to choose which memories to bring with you,” saad ng Queen of All Media sa caption.

Sey naman ni Angeline sa kaniyang Instagram post, matagal na raw niyang gustong puntahan si Kris sa US. Kaya naman pangako niya na kapag nakabalik ulit siya, lagi niya raw bibisitahin ang aktres.

"I miss you and I love you ate Kris🫶🏻 Ang tagal na kitang gustong puntahan sa U.S at finally nagkita na ulit tayo. Get well soon ate. Pag nakabalik kami dyan, lagi ka naming pupuntahan. Thank you, Josh,Bimb and Kuya Mark @markleviste 😘 We love you ate @krisaquino 🥰🫶🏻"