Maging si Pulitzer Prize winner Ronan Farrow mula sa USA ay hindi makapaniwalang hindi nakatuntong ng Top 5 ang pambato ng Pilipinas sa Miss Universe 2023 na si Michelle Dee.

Ayon sa kaniyang X posts nitong Nobyembre 19, bagama't masaya siya para kay Miss Nicaragua Sheynnis Palacios na siyang nakasungkit ng korona ng Miss Universe 2023, nanghihinayang umano si Ronan na hindi nakaalagwa si Michelle at nabigyang-pagkakataong makasagot sa Q&A portion.

"Miss Philippines was robbed, shaking and crying," ayon sa X post ng journo.

https://twitter.com/RonanFarrow/status/1726084296753156179

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Kagaya ng iba pang netizens ay sang-ayon naman sila sa kaniya.

"100%. She could've swallowed them all in that Q&A lol."

"@RonanFarrow rooting for Miss Philippines is not in my 2023 bingo card. On a side note, yes I believe she was robbed too."

"Agree. They posted in their IG the top 5, then deleted immediately."

"MMD got robbed she has the most genuine advocacy, won alot of awards but still doesnt get in top5 there's something fishy going on."

Matatandaang bukod sa "ROBBED" ay nag-trending din ang "COOKING SHOW," "WALANG KAKAIN," at "STEVE HARVEY" dahil sa pagkalaglag ni MMD sa Top 5.

MAKI-BALITA: ‘Cooking Show,’ ‘Walang Kakain’ at ‘Steve Harvey’ trending dahil sa Miss Universe

Pati ang mga kaibigan at kapwa Kapuso stars na sina Rhian Ramos, Kylie Padilla, at Max Collins ay hindi makapaniwala sa nangyari, lalo na't may kumalat na deleted art card na inupload ng Miss Universe social media page na kasama sa Top 5 si MMD, ngunit biglang napalitan ni Miss Thailand, na siyang naging first runner up.

Anyway, wala pang tugon, reaksiyon o pahayag ang pamunuan ng Miss Universe kaugnay nito.