May pabirong hirit si Unkabogable Vice Ganda sa Question and Answer portion ng Miss Universe 2023.

Sa Facebook post ni Vice nitong Linggo, Nobyembre 19, mababasa kung paano niya inokray ang nasabing tanong.

“#MissUniverse Q&A: If you could live 1 year in another woman’s shoes, who would you choose and why? Quing henang tanong yan!!! Bakit ka titira sa sapatos ng isang taon!!! Pano ka magkakasya dun! At ang baho dun! Cheretz!!” saad ni Vice sa kaniyang post.

Umani naman ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“mas mahirap pa tanungan sa Mutya ng Alicia😭😭😭”

“Hahaha natawa ako don🤣🤣🤣”

“Ang panty 🤣🤣🤣🤣”

“Kasya ka dun Vice yung sapatos nasa marikina riverbanks 🤣🤣🤣”

“HAHAHAHHA! perfectly said 🤣👏”

“Wala na pinis na hahahaha😁😁😂😂😂✌️✌️♥️♥️🇵🇭”

“Meme vice walang ggv, hindi nabasbasan si michelle dee sa ggv “

“Bwiset! Ayaw nila makapasok sa top 5 si Ms. Phils kasi natatakot sila 😅 I'm sure MMD will nailed the Q&A”

Gaya ng komento ng huli, tila ganito rin ang sentimyento ng maraming netizen. Kayang-kaya raw lamunin ni Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee ang mga tanong sa Q&A.

MAKI-BALITA: Michelle Dee kayang-kaya raw lamunin mga tanong sa Q&A

Talaga namang sinubaybayan ni Vice ang Miss Universe 2023. Sa katunayan, mayroon siyang serye ng mga tweet sa X na tungkol sa mga ganap sa nasabing pageant.