Puring-puri ni social media personality Valentine Rosales si Miss Nicaragua Sheynnis Palacios na kinoronahang Miss Universe 2023.

Sa Facebook post ni Valentine nitong Linggo, Nobyembre 19, ibinahagi niya ang screenshot ng kaniyang post dalawang araw ang nakakalipas. Mababasa sa nasabing post ang pagpapahayag niya ng paghanga sa taglay na kagandahan ng kandidata.

“O, ‘di ba? Simula’t sapul sinabi ko na si Nicaragua ang uuwi ng korona! Gano;n ang may ‘wow factor’! ‘Yung pumasok pa lang sa kwarto lahat mape-feel na agad ‘yung presence niya,” saad ni Valentine.

Dagdag pa niya: “Head turner. Mapapalingon ka talaga! Hindi puro fierce-fierce lang. Kailangan may halong posh and elegance.  Madami mainit ulo ngayon pero truth hurts at ‘yun ang totoo. Nilamon nga siya sa international stage.”

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Sa kabila nito, binati naman ni Valentine ang pambato ng Pilipinas na si Michelle Dee.

“Anyway, congratulations Philippines for making it to the Top 10,” pahayag niya.

Matatandaang nagbigay din ng reaksiyon si Valentine sa naging performance ni Michelle noong preliminary competition ng prestihiyosong pageant.

MAKI-BALITA: Valentine Rosales, ‘di bilib kay Michelle Dee: ‘Wala siyang wow factor’

Maraming hindi nagustuhan ang naging opinyon niya hinggil sa kandidata ng Pilipinas kabilang na ang komedyanteng si Wacky Kiray.

MAKI-BALITA: Wacky, ipinagtanggol si Michelle Dee kay Valentine: ‘Konting kalma, ‘te’