Ni-repost ni Kapuso actress Rhian Ramos ang kumakalat sa social media na isang deleted art card mula umano sa Miss Universe kung saan kasama sa Top 5 ang pambato ng Pilipinas na si Michelle Dee.

Base sa trending at kumakalat na umano’y official Miss Universe art card na ni-repost ni Rhian sa X, pasok ang kaniyang kaibigan na si Michelle sa Top 5, kasama sina Miss Australia, Miss Puerto Rico, Miss Nicaragua, at Miss Colombia.

Samantala, agad umanong nabura ang naturang art card, at biglang pinalitan daw ni Miss Thailand ang spot ng Pilipinas sa bagong art card na pinost ng Miss Universe.

“Mashaket,” caption ni Rhian sa naturang post.

Michelle Dee, inihayag bakit si Apo Whang-Od inspirasyon sa evening gown

Courtesy: Rhian Ramos/X

Bago ito, nag-post din si Rhian sa X ng “Something 🐟🐠🐡” o “Something fishy.”

Courtesy: Rhian Ramos/X

Matatandaang natapos ang journey ni Michelle sa ginanap na Miss Universe nitong Linggo, Nobyembre 19 (Philippine time), bilang Top 10 finalist, kung saan inirampa niya ang isang gown na tribute umano niya sa legendary Filipina tattoo artist na si Apo Whang-Od.