Tila nainis ang social media personality na si Rendon Labador sa bardagulan nina Wacky Kiray at Valentine Rosales kamakailan.

Sa Facebook story ni Rendon nitong Sabado, Nobyembre 18, makikita ang screenshot ng komento niya sa isang online news platform.

“Bad trip naman, o! Huwag na kayo mag-away! Magkamukha na nga lang kayo ay mag-aaway pa kayo. Haaaay,” saad ni Rendon.

Dagdag pa niya sa caption text ng kaniyang Facebook story: “Pagbuhulin ko kaya ‘tong dalawa na ‘to. Ayaw ko na ng may away sa socmed.”

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Matatandaan kasing nagbigay ng reaksiyon si Valentine sa hitsura ni Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee sa preliminary competition ng nasabing pageant.

MAKI-BALITA: Valentine Rosales, ‘di bilib kay Michelle Dee: ‘Wala siyang wow factor’

Matapos ito, ipinagtanggol ni Kiray si Michelle mula sa mga sinabi ni Valentine.

MAKI-BALITA: Wacky, ipinagtanggol si Michelle Dee kay Valentine: ‘Konting kalma, ‘te’

Hindi naman nagpaawat si Valentine kaya sinagot niya si Kiray at nilinaw na wala umano siyang sinabing hindi maganda kay Michelle.

MAKI-BALITA: Valentine Rosales binuweltahan si Wacky Kiray: ‘Wala akong nilait’