Ipinakita ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ang sitwasyon umano ng kanilang telebisyon matapos nilang panoorin ang Miss Universe 2023, kung saan hindi nakapasok sa Top 5 ang pambato ng Pilipinas na si Michelle Dee para sana sa question-and-answer (Q&A) portion.

Sa isang Instagram story, ipinakita ni Pia sa isang video ang kanilang TV na tila nabasag matapos ang kanilang panonood sa coronation night ng 72nd Miss Universe nitong Linggo, Nobyembre 19 (Philippine time).

“Just finished watching Miss Universe. How’s your TV, guys,” maririnig na tila kwelang saad ni Pia.

"Our TV situation after watching @michelledee compete, we were hoping to hear her at Q&A,” nakasaad din sa text ng kaniyang IG story.

Michelle Dee, inihayag bakit si Apo Whang-Od inspirasyon sa evening gown

Courtesy: Pia Wurtzbach/IG screengrab

Matatandaang natapos ang journey ni Michelle sa ginanap na Miss Universe bilang Top 10 finalist, kung saan inirampa niya ang isang gown na tribute umano niya sa legendary Filipina tattoo artist na si Apo Whang-Od.

Ang pambato naman ng Nicaragua na si Sheynnis Palacios ang siyang kinoronahan bilang Miss Universe 2023.

Kaugnay nito, nagpahayag naman ng pagbati si Pia para kay Sheynnis sa isang hiwalay na Instagram story.

“A deserving winner. Congratulations @sheynnispalacios_of of Nicaragua,” ani Pia sa isa niyang IG story.

Courtesy: Pia Wurtzbach/IG