Matapos ipakilalang Tanduay Calendar Girl 2024 ang aktres na si Julia Barretto, nakalkal at hinanap ng mga netizen ang mga larawan ng tiyahin niyang si Gretchen Barretto, na naging calendar girl din pala ng nabanggit na brand ng rhum noong 90s.

Makikita mismo ang throwback photos ni Greta sa opisyal na Facebook page ng brand.

Dahil nga raw sa lakas ng sales nang maging calendar girl si Greta noong 1991 ay muli siyang ibinalik noong 1995.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

"Alam mo ba na naging Tanduay Calendar Girl si Gretchen Barretto noong '91? Isa siya sa Top 3 models na tumulong mag angat ng Tanduay sales ng 30%. #Throwbackthursday," saad sa caption.

"Tanduay Throwback: 1991 Tanduay Calendar Girl. Isa sa tatlo na pinakamalakas na endorser ng Tanduay. Sa sobrang kagandahan niya ibinalik as Calendar girl noong 1995!," dagdag pa.

Kaya naman, nakumpara ng mga netizen ang magtiyahin. In fairness naman daw ay parehong kaakit-akit ang alindog ng dalawa.

Pero batay naman sa kasuotan nila, mas daring lang talaga ang kay Julia sa kasalukuyan.

Siyempre, ikonsidera din ang panahon, dahil medyo conservative pa noong panahon ni Gretchen kumpara nowadays.

Pero iisa lang naman ang goal nila at iyon ay mapataas ang sales ng nabanggit na brand.

MAKI-BALITA: Ka-level ni Bea, Kylie: Julia Barretto, bagong Tanduay Calendar Girl 2024