Bukod kay Michelle Dee, trending din sa X ang pangalan ng beauty queen-actress na si Maxine Medina.

Si Maxine, bago pasukin ang showbiz, ay naging pambato ng Pilipinas sa Miss Universe noong 2016.

Nababanggit ngayon si Maxine at nagagawan ng memes dahil hawig daw niya si Miss Nicaragua Sheynnis Palacios na siyang itinanghal na Miss Universe 2023.

Lalo na raw kapag naka-smile, ang nakikita raw ng Pinoy pageant fans ay si Maxine. Kaya naman, joke time at dogshow na lang ang ginawa ng netizens at tinag pa rito ang account ni Maxine.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens:

"Congrats Maxine Medina! (Nicaragua) Miss Universe 2023! We won PH🇵🇭✨ #MissUniverse"

"Grabe naman po yorn Maxine Medina! Congratulations, Miss Universe 2023!!!"

"Maxine Medina is #MissUniverse 2023. Proud Pinoy. Chz. Congrats, Nicaragua!"

"Panalo pa rin ang mga Pinoy, kamukha ni Maxine eh haha congrats Nicaragua, well-dasurv!"

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Maxine tungkol dito.

Dinogshow naman ng fans ang evening gown ni Miss Nicaragua na kahalintulad daw ng gown na suot ni Kapamilya actress Maris Racal sa naganap na ABS-CBN Ball kamakailan.

MAKI-BALITA: Evening gown ni Miss Nicaragua dinogshow; kinumpara kay Maris Racal