Nagbigay ng reaksiyon si Kapamilya actress Maris Racal sa mga kumakalat na memes tungkol sa kanila ni Miss Nicaragua Sheynnis Palacios na itinanghal bilang Miss Universe 2023.

Sa kaniyang Instagram story nitong Linggo, Nobyembre 19, ni-reshare ni Maris ang ilan sa mga larawan na may kinalaman sa kanila ni Miss Nicaragua.

Napansin kasi ng mga netizen na may pagkakahawig ang evening gown ni Miss Nicaragua sa suot ni Maris noong ABS-CBN Ball 2023.

MAKI-BALITA: Evening gown ni Miss Nicaragua dinogshow; kinumpara kay Maris Racal

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

“Mamiii we made it hahaha,” saad ni Maris sa text caption ng kaniyang Instagram story.

Matatandaang hindi ito ang unang beses na dinogshow ng netizens ang nasabing gown ni Maris. Tila kahawig daw kasi nito ang suot ng estatwa sa logo ng Columbia Pictures na may asul na balabal habang may hawak na isang sulo.

MAKI-BALITA: Outfit ni Maris Racal sa ABS-CBN Ball 2023, dinogshow

Sa kaniyang Instagram post ay mas sinakyan pa ni Maris ang pandodogshow sa kaniya, sa pamamagitan ng paglalapag ng larawan sa kaniyang "Miss Universe preparation dumps" niya sa preparasyon noong ABS-CBN Ball.

Samantala, bukod kay Maris, ikinumpara din si Miss Nicaragua kay beauty queen-actress Maxine Medina dahil kamukha umano ito ng huli.

MAKI-BALITA: Maxine Medina nakaladkad sa pagkapanalo ni Miss Nicaragua