Sa tuwing may laban ng Miss Universe, hindi talaga nawawalan ng memes at pandodogshow sa social media na isa talaga sa nagpapasaya at nagpapa-funny kagaya nitong hindi nakapapasok ang kandidata ng Pilipinas.

Hindi nakaligtas sa mga Pinoy netizen ang evening gown ni Miss Nicaragua Sheynnis Palacios na siyang itinanghal na Miss Universe 2023.

Naalala kasi ng mga netizen na ganito rin ang gown na isinuot ng Kapamilya actress na si Maris Racal sa naganap na ABS-CBN Ball, na naihalintulad pa nga sa babae sa Columbia Pictures.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens:

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

"Di mo kami maloloko Maris Racal!"

"Ay mas nauna na si Mariz kaysa sa kaniya hahaha."

"Pamilyar evening gown ni Nicaragua hahaha."

"Wala na, nauna na palang suutin ni Maris Racal hahaha."

MAKI-BALITA: Outfit ni Maris Racal sa ABS-CBN Ball 2023, dinogshow