Matapos ang Miss Universe 2023 ay trending sa X dito sa Pilipinas ang "Cooking Show," "Walang Kakain," at "Steve Harvey."

Hindi kasi matanggap ng karamihan sa mga netizen na hindi nakapasok sa Top 5 ang pambato ng Pilipinas na si Michelle Marquez Dee, lalo't siya ang isa sa mga itinanghal na winner sa "Voice of Change."

Isa pa, kumakalat ang isang deleted art card mula raw sa post ng Miss Universe kung saan makikitang pasok daw sa Top 5 si Michelle, kasama sina Miss Australia, Miss Puerto Rico, Miss Nicaragua, at Miss Colombia.

Sa bagong bersyon ng art card, ang nakalagay na rito ay hindi na si Dee kundi si Miss Thailand, na malapit sa kandidata ng Pinas.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Kaya hindi maiwasan ng mga Pinoy netizen na mag-isip nang masama patungkol dito, lalo't ang owner ng Miss Universe ay mula sa Thailand na si Anne Jakkaphong Jakrajutatip. Isa na riyan ang malapit na kaibigan ni Michelle na si Kapuso star Rhian Ramos, gayundin ang Kapamilya actress na si Chie Filomeno.

MAKI-BALITA: ‘Something fishy?’ Rhian, ni-repost trending art card ng MU Top 5 na kasama PH

MAKI-BALITA: Chie Filomeno sa Miss Universe 2023 results: ‘Galing ng cooking show!’

Ang "Cooking Show" ay balbal na termino kapag may itinuturing na "luto" o daya sa isang timpalak.

https://twitter.com/RAPupumpum/status/1726082341905530903

Gayundin, trending din ang "Walang Kakain" dahil sa pagkadismaya sa resulta, gayundin si "Steve Harvey" na baka naman kailangan daw tawagin sa stage at baka nagkamali lang sa na-aannounce.

Matatandaang si Steve ang host ng Miss Universe 2015 kung saan nagkamali siya sa pagtawag ng nanalo; sa halip kasi na si Pia Wurtzbach ang matawag niya ay ang runner up na si Miss Colombia ang nakoronahan.

Anyway, generally ay proud na proud naman ang mga Pilipino sa ipinamalas na giting at husay ni Michelle sa Miss Universe 2023 competition ay panalong-panalo siya sa puso ng bawat Pilipino.