Isang pangolin na endemic sa apat na mga isla sa Pilipinas ang natagpuan sa Angeles City, Pampanga, ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Sa isang Facebook post nitong Sabado, Nobyembre 18, ibinahagi ng DENR na natagpuan ng mga residente sa Brgy. Cuayan ang naturang Philippine pangolin (may scientific name na 𝘔𝘢𝘯𝘪𝘴 𝘤𝘶𝘭𝘪𝘰𝘯𝘦𝘯𝘴𝘪𝘴) sa isang bakanteng lote, at agad silang humingi ng tulong sa Angeles City Government Environment and Natural Resources Office.

Tinurn over naman umano ng lokal na pamahalaan ng Angeles City, kasama ang Barangay Council ng Cuayan, ang na-rescue na pangolin upang maalagaan sa DENR Central Luzon.

“Wildlife officers from the Conservation and Development Division of the DENR (Central Luzon) took in the pangolin, which would be transferred to the nearest wildlife rescue center for rehabilitation before releasing to its natural habitat,” saad ng DENR.

Human-Interest

Magna cum laude graduate na pinagsuot ng toga ang ama, kinaantigan

Ayon sa DENR, matatagpuan ang mga Philippine pangolin sa apat na mga isla ng Pilipinas, lalo na sa Palawan.

“They are among the most illegally trafficked wildlife in the world, with their scales sought after in certain concoctions, despite having no proven medicinal value,” saad ng DENR.

Dahil dito, hinikayat ng departamento ang publiko na i-turnover ang mga makikita o mare-rescue nilang wild animals upang mabigyan umano ng tamang pag-aalaga.

“Citizens with exotic pets are asked to have their respective animals registered and to secure necessary permits,” saad pa ng DENR.

Sa ilalim ng Republic Act No. 9147, mas kilala bilang Wildlife Resources Conservation and Protection Act, pinagbabawalan ang pagmamay-ari, transportasyon at pagkolekta ng wildlife species nang walang permit mula sa DENR.