Tampok ang mag-inang artista na sina Jean Garcia at Jennica Garcia sa latest vlog ni Kapamilya broadcast-journalist Karen Davila nitong Biyernes, Nobyembre 18.

Isa sa mga naitanong ni Karen kay Jean ay kung ano ang pakiramdam nito ngayong ang anak nitong si Jennica ay unti-unti nang sumisikat bilang artista.

“I’m very proud. Saka deserve niya. Kasi very hardworking ang aking anak. Tapos, mahal niya ‘yung trabaho niya. Saka ang maganda dito marunong siyang makisama,” saad ni Jean.

Dagdag pa niya: “Kaya mahal din siya ng mga staff, ng mga crew. Kasi pinalaki ko naman sila na gusto ko very humble, marespeto sa mga tao.”

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Habang nagsasalita si Jean, biglang napatakip ng bibig si Jennica.

Sey tuloy ng kaniyang ina: “O, iiyak ka na naman?

“Hindi ako naiiyak. Nahihiya ako,” natatawang sagot ni Jennica.

Kaya pinigil na niya ang kaniyang ina sa pagsasalita dahil alam na naman niya umano ang mga sasabihin nito.

Matatandaang humakot ng papuri si Jennica dahil sa kaniyang natatanging pagganap sa teleseryeng “Dirty Linen”.

MAKI-BALITA: ‘Mata-mata school of acting!’ Janine Gutierrez, Jennica Garcia, puring-puri dahil sa ‘Dirty Linen’

MAKI-BALITA: ‘Bilang Lala sa Dirty Linen!’ Jennica Garcia, hindi pa rin makapaniwalang nagte-trending ulit siya