Tampok sa usapan nina Rose Garcia, Ambet Nabus, at Jun Nardo ang mag-jowang sina Coco Martin at Julia Montes sa Marites University nitong Biyernes, Nobyembre 17.

Ibinahagi ni Rose ang komento umano ng isang fan na tuwang-tuwa raw dahil sa naging pagbabago nina Coco at Julia.

“Nagbago na. Ibig sabihin ‘yung pagiging open nila,” paglilinaw ni Rose.

Dati raw kasi nagtatago pa ang dalawa. Bihirang makita na magkasama sa mga gala sa iba’t ibang lugar ‘di gaya ngayon.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Dagdag pa ni Rose, tila nag-ala-Hyun Bin at Son Ye Jin ng “Crash Landing On You” umano sina Coco at Julia dahil sa mga kuhang larawan nila sa Iseltwald, Switzerland. Sa nasabing lugar kasi shinoot ang nasabing KDrama series.

Hirit naman ni Jun, sana raw ay magsalita na sina Coco at Julia sa real score nilang dalawa.

Pero para kay Rose: “Hindi na. No need na ‘yung ‘oo kami na’.”

“Naku, itsitsika din nilang dalawa ‘yun, I’m sure,” dagdag pa niya.

“Okay,” sagot ni Jun, “at least happy na sila. ‘Di na tago-tago sa dilim, di ba. Nagbago na talaga. Sa liwanag na sila hindi na sa dilim.”

Matatandaang kamakailan lang ay namasyal din ang dalawa sa Italy. Napagkamalan pa nga ng mga netizen na buntis umano si Julia. 

MAKI-BALITA: Matapos mag-Italy kasama si Coco: Julia, buntis na nga ba?