Bukod sa inaabangang coronation night ng "Miss Universe 2023" sa Nobyembre 19 (Linggo sa Pilipinas) na gaganapin sa El Salvador, nagbubunyi rin ang Pinoy pageant fans sa pagkapanalo ng kandidata ng Pinas sa "Miss Globe 2023" na si Anna Valencia Lakrini.

Naiuwi ni Lakrini ang puwestong 2nd runner up, at ang itinanghal na Miss Globe 2023 ay si Aanvi Kher ng Malaysia.

Ang iba pang runners up ay sina Miss Spain (1st), Miss Nigeria (3rd), at Miss USA (4th).

Nagbubunyi ang Pinoy pageant community dahil kahit paano ay hindi nawawala sa listahan ang gandang Pilipina.

National

ITCZ, magdadala ng mga pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa

Narito ang sagot ni Lakrini sa tanong na "“What is your favorite life motto and why do you choose that?”

“Well, my favorite life quote would be to always enjoy the moment, ‘cause you never know when it’s too late. I am very happy that my family is here, actually, because I haven’t seen them in 2 years. And you know, it’s always important to live in the moment, live ‘cause you never know when it’s too late; and I think COVID really showed us to really enjoy each and every single second with family members, loved ones, or just friends," aniya.

Kaya naman, excited na ang mga PIlipino sa laban naman ni Michelle Marquez Dee (MMD) na talaga namang laban na laban sa kaniyang mga performance sa preliminary competition, lalo na ang kaniyang national costume o natcos.

Narito ang mga reaksiyon at komento ng netizens.

"Excited na rin kami for MMD mukhang may laban talaga!"

"Go Michelle! Laban na laban eh..."

"Congrats, Anna! Sana manalo rin si Michelle."

"Congrats Queen Anna, go lang! Sana manalo rin si Michelle."