Walang nanalo sa isinagawang draw ng 6/58 Ultra Lotto nitong Biyernes ng gabi.

Ipinaliwanag ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), walang nakahula sa winning combination na 45-10-02-20-28-58 na may katumbas na jackpot na ₱132.6 milyon.

Noong Oktubre 14, 2018, dalawang mananaya ang nanalo ng ₱1.18 bilyon matapos mahulaan ang 6 digits na winning combination na 40-50-37-25-01-45.

Binobola ang 6/58 Ultra Lotto tuwing Martes, Biyernes at Linggo.

National

'Julian' malapit nang maging 'super typhoon'; Signal No. 4, itinaas sa 2 lugar sa Luzon