Dinepensahan ng komedyanteng si Wacky Kiray si Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee mula sa opinyon ni social media personality Valentine Rosales.

Sa Facebook post ni Wacky nitong Huwebes, Nobyembre 16, binanatan niya si Valentine dahil sa sinabi nito kay Michelle na walang raw itong wow factor kumpara sa mga nakaraang pambato ng Pilipinas sa naturang pageant.

MAKI-BALITA: Valentine Rosales, ‘di bilib kay Michelle Dee: ‘Wala siyang wow factor’

“Ok ako naman mag sasalita..teh valentine rosales.. pwede kumalma ka lagyan natin ng preno yung bunganga natin..unang una maganda ang ginawa ni #MMD pulido malinis ang lakas ng dating... d kaya na iingit kalang kasi d ka maka pag swimsuit. kasi lalabas itlog mo?” pahayag ni Wacky.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

Dagdag niya pa: “Eto opinion ko lang din ha... saka ka na mag comment kung naka sali ka na sa beauty contest. yung beauty talaga ha! opinion ko lang uli... peace ✌️ konting kalma tehhh…”

Tila ang mga netizen naman ay halos ganoon din ang reaksiyon kay Valentine gaya ng kay Wacky. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“Boring na boring sa buhay nya yan ang ganda Kaya ni Michelle dee atsaka ang talino nya Sana nga makuha nya ang miss universe crown:)”

“Ateng kahit tumambling ka pa waley ka kay ms. Michelle super ganda niya. Ikaw? Never mind! 🤣”

“Oy akla..ikaw nlng sana rumampa don bka sakaling may dating at hindi boring. 😅 Mas magnda naman tingan si MMD kesa sayo. 😅”

“ayan ni real talk ka talaga ng real na real🤣🤣🤣”

“Ayan, nabanatan ka tuloy ni Wacky Kiray!😂 Kapal Muks talaga yan dati pa...😂😂😂”

“Wag na paabutin sa pasko. Sugod na mga ackla, mass report 🤣”

Sa kasalukuyan, wala pang anomang reaksiyon, tugon, o pahayag si Valentine sa sinabing ito ni Wacky.