Tampok na naman sa usapan nina Cristy Fermin, Romel Chika, at Wendell Alvarez ang magjowang sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Sa isang episode ng “Showbiz Now Na” nitong Huwebes, Nobyembre 16, napansin umano ni Cristy na tila kinokontra daw ni Kathryn ang mga ipinagbabawal sa kaniya ng jowang si Daniel.

Matatandaang nauna nang sinabi ni Cristy sa isa ring episode ng kaniyang vlog na bukod sa seloso, konserbatibo rin daw si Daniel. 

MAKI-BALITA: Daniel, selosong jowa kay Kathryn?

Eleksyon

COC Filing DAY 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

“Imagine dati, ni hindi nga natin makita ang leeg. May takip lagi. E, ngayon ano ba sinusuot ni Kathryn sa mga pictorial?” tanong ni Cristy.

“Heart na lang,” segunda ni Rommel.

Ang tinutukoy ng host ay ang suot ni Kathryn sa mga larawan nito na naitampok sa isang lifestyle magazine kamakailan.

“Kaya nag-iisip talaga, e. Nagbibigay sila [Kathryn at Daniel] ng senyales na ‘Palagay ko hiwalay na ‘to. E, bakit ganito na ang pananamit ni Kathryn e napaka-protective ni DJ sa kaniya’,” saad pa ni Cristy.

Pero ayon sa pahayag na sinabi ni Kathryn sa ibinahaging video ng nasabing magazine na kinatatampukan niya, tila kumakawala lang ang aktres sa mga expectation na itinatakda sa kaniya ng mga tao sa kung ano lang dapat ang gawin o sabihin niya.

Matatandaang nagsimulang umugong ang isyu ng hiwalayan sa pagitan nina Kathryn at Daniel nang kumalat ang balita na palihim umanong nakikipagkita ang huli sa kapuwa Kapamilya star na si Andrea Brillantes.

MAKI-BALITA: Sitsit ng source ni Ogie: Daniel at Andrea, palihim na nagkikita?