Nagbigay ng mensahe ang dating child actor na si Jaypee De Guzman sa mga batang artista nitong Huwebes, Nobyembre 16.

Sa latest vlog kasi ni broadcast-journalist Julius Babao, tinanong niya si Jaypee kung ano raw ang maipapayo nito sa mga child actor ngayon.

“The advice I’ll give may not be the advice that parents want to hear. Don’t go into showbiz. If this is the only path you want to go into, you have to have a back up plan. There has to be more than the industry,” saad ni Jaypee.

Dagdag pa niya: “It’s a cruel industry. Wherein once they’re done with you, you’re done. So if you don’t have a back up plan–kung hindi mo nakikitang mag-aaral ka at magtatapos ka at mag-iipon ka–don’t go into it kasi masisira lang ang buhay mo.”

National

Pag-imbestiga ng Senado sa drug war ni ex-Pres. Duterte, magandang ideya – Pimentel

Masuwerte lang umano si Jaypee dahil matalino ang mga magulang niya. Ang kaniyang mga kinita mula sa pag-aartista noon ay ginawang puhunan ng mga ito para sa edukasyon niya.

Kaya naman, nagawang makapagtapos ni Jaypee ng kolehiyo sa ilalim ng programang Communication Arts sa De La Salle University.

Matatandaang nakilala si Jaypee bilang child actor sa pagitan ng taong ‘80s at ‘90s. Gumanap siya sa mga pelikulang gaya ng “Saan Darating ang Umaga” (1983) at “Tinik sa Dibdib” (1985).

Bukod pa diyan, naging bahagi rin siya ng youth-oriented show ng GMA Network na “That’s Entertainment” na nawala sa ere noong 1996.