Ikinuwento ni dating Vice President Leni Robredo ang nangyari sa naging pagkikita nila ni dating Senador Leila de Lima sa Naga matapos itong makalaya sa pamamagitan ng piyansa kamakailan.

Matatandaang noong Nobyembre 13, 2023 nang payagan si De Lima ng Muntinlupa Regional Trial Court (RTC) Branch 206 na makapagpiyansa hinggil sa isa niyang natitirang drug case.

Kaugnay nito, ibinahagi ni Robredo sa kaniyang Facebook post nitong Huwebes, Nobyembre 16, na nakasakay na siya ng bus papunta sa Naga nang mabalitaan ang paglaya ni De Lima.

‘Makakalaya na!’ De Lima, pinayagang magpiyansa

“I hoped that I would still be around when she goes home to Iriga. True enough, she said she was going home the following day and wanted to pay homage to the Virgin of Peñafrancia and visit Archbishop Tirona, who was able to visit her a few times while she was in Camp Crame,” kuwento ni Robredo.

“It was an emotional moment seeing her outside the confines of the PNP Custodial Center. There was a lot of catching up to do. But, first, lunch. She said she was craving for Bicol food so that was what we had,” dagdag niya.

Idinetalye rin ng dating bise presidente ang mga unang nais gawin ni De Lima sa kaniyang paglabas mula sa piitan matapos ang mahigit anim na taon.

“She said she urgently needs to see a Dentist and renew her Driver’s License. She said all her IDs are already expired and all she has now is her Senior Citizen’s ID. She said she brought home 5 of the stray cats she has been taking care of in Crame and she misses those she couldn’t take with her. She hasn’t gotten around cleaning and organizing her books, papers and effects yet,” ani Robredo.

“It was poignant listening to her immediate concerns now. She’s relearning how it is to live in freedom again.”

“I went with her everywhere today. She profusely thanked me. Told her, it is nothing compared to all the crosses she had to bear to fight for what is right. I thanked her for being a pillar of strength and an inspiration for all of us,” saad pa niya.

Unang nakulong si De Lima noong 2017 dahil sa umano’y pagkakasangkot niya sa illegal drug trade sa loob ng New Bilibid Prison, bagay na paulit-ulit niyang itinanggi.

Pinawalang-sala naman ng korte ang isa sa tatlong mga drug case ni De Lima noong 2021, habang noon lamang namang Mayo 2023 nang ipawalang-sala rin ang ikalawang kaso ng dating senador.

https://balita.net.ph/2023/05/12/de-lima-pinawalang-sala-sa-isa-pang-drug-case/

Samantala, nito lamang Oktubre nang bawiin ng dalawang mga state witness ang kanilang mga testimonya laban kay De Lima matapos umano silang “makonsensya.”

https://balita.net.ph/2023/10/17/2-state-witnesses-ng-huling-drug-case-bumawi-ng-mga-testimonya-vs-de-lima/

Kasalukuyan namang nagpapatuloy ang paglitis sa isang natitirang kaso ni De Lima habang maaari siyang lumaya mula sa kulungan sa pamamagitan ng piyansa.