Inilarawan ng komedyanteng si Donita Nose kung anong klaseng tandem mayroon sila noon ng kapuwa komedyanteng si Super Tekla.

Sa isang episode kasi ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Huwebes, Nobyembre 16, naitanong ni Abunda kung nakakaapekto umano sa pagkakaibigan nila ang pag-angat ng isa.

“Sa amin kasi, Tito Boy, ‘yung mga hilahan, ‘yung mga ganiyan, actually, never ko talagang naramdaman ‘yun or ipinaramdam din sa kaniya. At saka aminado ako na mas ano siya sa tao, mas charming, mas gusto siya ng tao. Pero mas gusto rin ng tao ‘yung dalawa kami,” saad ni Donita.

Dagdag pa ng komedyante: “Pero siya, iba ‘yung dating sa akin. Minsan ako ‘yung binu-bully. Inaaway ako ng mga may gusto sa kaniya. Pero mag-tandem kami. So, they don’t know kasi kung ano ‘yung role namin sa isa’t isa, e.”

Eleksyon

Sen. Koko Pimentel, tatakbong kongresista sa 2025

Paliwanag ni Donita, kailangan niya raw kasing okrayin si Tekla para lumabas umano ang talento nito.

“Ako ‘yung nagiging maldita pero ‘yun is because sa ginagawa lang namin,” sabi pa niya.

Matatandaan na noong nakaraang taon ay inanunsiyo nina Donita at Tekla na maghihiwalay na umano silang dalawa.

MAKI-BALITA: Super Tekla at Donita Nose, mabubuwag na ba ang pagkakaibigan, tandem sa vlogging?