Hinuli ng mga alagad ng batas ang isang umano'y bigtime na smuggler ng sibuyas sa ikinasang operasyon sa Batangas nitong Miyerkules ng hapon.

Ito ang kinumpirma ni Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr. nitong Biyernes.

Tinukoy ni Laurel si Jayson de Roxas Taculog na dinakip kaugnay ng paglabag nito sa Republic Act 10845 o ang batas na nagdedeklara sa agricultural smuggling bilang economic sabotage.

“Umpisa pa lang si Taculog. Sa tulong ng pulis, korte at lokal na pamahalaan, patuloy na tutugisin ng Department of Agriculture ang mga smuggler at sumasabotahe sa ating sektor," ani Laurel.

National

'Julian' malapit nang maging 'super typhoon'; Signal No. 4, itinaas sa 2 lugar sa Luzon

Isinagawa ang operasyon laban kay Taculog sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Manila Regional Trial Court Branch 26 Judge Edilu Hayag.

Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan ni Taculog.