Ibinahagi ng actress-comedian na si Melai Cantiveros ang naging lowest point ng career niya sa latest vlog ni Luis Manzano na “Luis Listens.”

“Pero sa far ano ‘yung pinaka naging lowest point ng career mo?” tanong ni Luis kay Melai.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“Ang masasabi ko is yung nagbuntis ako kay Mela,” sagot ng aktres. “Lowest part ‘yun kasi mas pinili kong magbuntis sa anak ko kaysa piliin ang career.”

Kuwento ni Melai, kapag nagbuntis daw kasi puwede nang mawala sa pag-aartista.

“Nung time kasi na ‘yun Kuya Luis, sabi nila kapag nagbuntis ka nung time namin, wala ka na sa artista,” aniya. “Sinabihan ko na rin si Ma’am Mariole ng Star Magic. Sabi ko, ‘Ma’am Mariole, puwede mo na kami tanggalin sa Star Magic.’ Inunahan ko na para hindi na kami mag-expect.”

Pero kahit na ganun, pinag-stay pa rin siya sa Star Magic. Kaya umuwi raw muna siya sa General Santos City para magbuntis at ipanganak ang panganay niyang si Mela.

Kung may lowest, hindi mawawala ang highest. Ikinuwento rin ng aktres ang highest point ng career niya.

“Itong kuwan ko, ‘Magandang Buhay,’ ‘It’s your Lucky Day.’ Itong season ko na ito. Itong masabi kong highest talaga,” sey ni Melai.

Samantala, mapapanood ngayon si Melai sa kaniyang pelikulang “Ma’am Chief” na mapapanood sa mga sinehan nationwide. Nagsimula itong ipalabas nitong Miyerkules, Nobyembre 15.