Nabuhayan ng dugo ang mga netizen, lalo na ang mga barako, sa ibinahaging kalendaryo ng bagong Tanduay Calendar Girl na si Julia Barretto, na makikita sa kaniyang Facebook post.
Nitong Martes, Nobyembre 15, ay ganap nang ipinakilala si Julia bilang bagong Tanduay Calendar Girl, kapalit ni beauty queen-actress Kylie Verzosa.
MAKI-BALITA: Ka-level ni Bea, Kylie: Julia Barretto, bagong Tanduay Calendar Girl 2024
Makikita mismo sa FB post ng verified Facebook account ni Julia ang kopya ng kalendaryo para sa 2024, kung saan makikita siyang nakaupo sa puting kama at nakasuot ng pulang bikini na halos see-through na.
"Grateful! Thank you Tanduay ❤️," caption ni Julia bilang pasasalamat sa brand ng alak na nagtiwala sa kaniya bilang bagong brand ambassador.
Sa comment section naman ng mga netizen, makikitang may mga nagbirong napa-zoom daw sila sa kalendaryo.
Mas malaki pa raw kasi ang imahe ni Julia kaysa sa mismong mga petsa.
"Bale Tuesday pala tatapat ang birthday ko next year. Salamat Julia!"
"Di ko makita yung dates. Need i'zoom 🥴."
"Mas nkita Kupa Yung kulay Ng panty Kaisa Sa number Ng calendaryo 🙄."
"alin ba mahalaga dito? ung dates ng kalendaryo o yung pagbuka mo? mas nakapokus kami sa pagbuka mo e kase mas malaki pa kesa sa dates."
"Ang liit Ng mga petsa kaylangan 100% zoom."
"Laki Ng buka kesa petsa😂."
"zoom friendly na kalendaryo"
Samantala, proud boyfie naman kay Julia si Gerald Anderson matapos nitong i-share sa IG story ang litrato ni Julia.