Nawalan ng mahigit ₱37 bilyong kita ang Land Transportation Office (LTO) dahil sa mga hindi rehistradong sasakyan.

Paliwanag ni LTO chief Vigor Mendoza II, nasa 65 porsyento ng mga sasakyan sa bansa ang hindi nakarehistro o sinadyang hindi irehistro.

Nasa ₱37.10 bilyon aniya ang kokolektahin nila sa mga delinquent motor vehicle owners bilang bayad at multa sa hindi pagpaparehistro.

“Yung included sa report na ito ng delinquent motor vehicles ay 'yung mga sasakyan na based sa aming record ay more than one year ng hindi nare-renew ang registration. Hindi pa kasama dito 'yung mga less than a year na hindi naka-renew ng registration,” ani Mendoza.

Metro

High school principal sa QC, arestado sa pangmomolestya umano ng 4 na estudyante

Sa datos ng LTO, nasa 4.1 milyon ang delinquent motor vehicle owners sa Metro Manila, 3.3 milyon sa Region III at 2.7 milyon naman sa Region IV-A.

Dahil dito, iniutos na ni Mendoza na paigtingin ang "no registration, no travel" policy upang mapilitang magparehistro ang mga may-ari ng mga sasakyan.