Ang dalawang sasakyan ay sinita ng mga enforcer ng MMDA, malapit sa isang shopping mall sa Mandaluyong matapos dumaan sa EDSA bus lane.
Sinabi umano ng dalawang driver na convoy sila ng senador kaya't hindi na sila tiniketan at pinaalis na sa lugar.
Paliwanag pa ni Artes, ipapadala niya kay Revilla ang mga pangalan ng dalawang driver at ang senador na ang bahala kung kakasuhan niya ang mga ito.
Ang insidente ay nagresulta sa pagkasuspindi ni MMDA Task Force Special Operations chief Edison "Bong" Nebrija matapos isapubliko ang insidente.
Nauna nang idinahilan ni Nebrija na pinagbatayan lamang niya ang report sa kanya ng kanilang enforcers na sumita umano sa convoy ni Revilla.
Itinanggi ni Revilla na dumaan siya sa lugar at sinabing nasa Cavite ito nang mangyari ang insidente.