Nagulat hindi lamang ang interviewer na si Snooky Serna kundi pati ang mga netizens sa isiniwalat ng batikang aktres na si Elizabeth Oropesa, na nagkaroon pala sila ng anak ng beteranong aktor na si Dante Rivero, na inilarawan naman niya bilang "great love."

Nagkasama sina La Oro at Dante sa pelikulang "Lumapit… Lumayo ang Umaga" noong 1975.

"We have one son," ani Elizabeth.

"Yeah, hindi lang kasi ako madaldal. Noong araw kasi, hindi uso 'yong... wala naman social media. And then you don’t normally talk about your personal life before."

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

40 anyos na raw ang anak na lalaki nina La Oro at Dante, na habang isinusulat ang balitang ito, ay hindi pa lumalantad.

So means to say matagal na panahong naitago ang sikreto tungkol dito dahil sa kawalan ng social media noon.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni Dante hinggil sa rebelasyon ni Elizabeth.