Inanyayahan ni dating Senador at Pambansang Kamao Manny Pacquiao ang publiko na manood ng pelikula ng actress-comedian na si Melai Cantiveros-Francisco na “Ma’am Chief.”

Sa Instagram post ni Melai, mapapanood ang paanyaya ni Pacquiao na manood ng kaniyang pelikula sa big screen.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

“Hello, everyone! Iniimbitahan ko kayong lahat na panoorin ngayong November 15 po sa lahat ng sinehan sa buong Pilipinas ang ‘Ma’am Chief.’ Maraming salamat po sa inyong lahat,” anang Pambansang Kamao.

Nangyari ito nang bumisita sina Melai at asawang si Jason sa General Santos City. Na-meet din nila ang misis ni Pacquiao na si Jinkee.

Mapapanood na sa lahat ng sinehan ang Ma’am Chief simula ngayong Nobyembre 15.