
(Manila Bulletin File Photo)
Maagang aguinaldo: 6/42 Lotto jackpot na ₱5.9M, napanalunan--₱131.2M sa Super Lotto, walang nanalo
Idineklara ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na isa ang nanalo ng mahigit sa ₱5.9 milyong jackpot sa 6/42 Lotto draw nitong Martes ng gabi.
Gayunman, nilinaw ng PCSO na walang nanalo sa isa hiwalay na draw ng 6/49 Super Lotto kung saan aabot sa ₱131.2 milyon ang jackpot nito.
Nahulaan ng naturang mananaya ang tinayaang winning combination na 01-12-21-28-08-18, ayon sa ahensya.
Habang isinusulat ang balitang ito, hindi pa isinapubliko ng PCSO kung saan nabili ng nanalong mananaya ang kanyang ticket.
Kaugnay nito, inaasahan naman ng ahensya na tumaas pa ang magiging jackpot sa 6/49 Super Lotto matapos hindi mapanalunan ang mahigit sa ₱131.2 milyong premyo sa isinagawang draw nitong Nobyembre 14 ng gabi.