Ipinakilala na ang aktres na si Julia Barretto bilang Tanduay Calendar Girl para sa taong 2024.

Papalitan niya ang beauty queen-actress na si Kylie Versoza na siyang calendar girl naman nitong 2023.

MAKI-BALITA: ‘World-class showstopper’ Kylie Verzosa, ni-reveal bilang 2023 Calendar Girl ng isa pang brand ng alak

Take note, isang taon lang ang pagitan, matatandaang si Bea Alonzo ang naging Tanduay Calendar Girl noong 2022 na talaga namang nagpabigla sa mga netizen.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

MAKI-BALITA: Bea Alonzo, pinakabagong ‘Tanduay Calendar Girl’; ano nga ba ang reaksyon ng mga netizen?

Nobyembre 8 nang unang mag-post ng teaser ang nabanggit na kompanya ng alak tungkol sa kanilang bagong calendar girl.

At ngayong araw ng Miyerkules, Nobyembre 15, pormal at opisyal na ngang ipinakilala si Julia.

"Here she is, tropa. Get ready for 2024 with our newest Tanduay Calendar Girl, Julia Barretto! #Tanduaycalendargirl2024," mababasa sa caption ng post.