Bumisita ang buong pamilya ni Jason Francisco sa programang “Magandang Buhay” nitong Miyerkules, Nobyembre 15.

Matapos basahin ng dalawa niyang anak na sina Mela at Stella ang liham ng mga ito para sa kanila ng asawa niyang si Melai Cantiveros, nagbigay rin ng mensahe si Jason para sa mga ito.

Bagama’t ayaw umano ni Jason na magkaroon ng pamilya noong una, masaya raw siya dahil nabiyayaan sila ni Melai ng dalawang anak.

“Hindi ko akalain na magkakakilala kami nito ni Melai, ni Melisa. So, ayun. Parang siguro binago ng Diyos ‘yung ano ko sa buhay. Na hindi masama kapag meron ng family. Pero talagang hindi ‘yun basta,” pahayag ni Jason.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Dagdag pa niya: “Kaya nagpapasalamat nga ako’t nagkamayro’n ako ng dalawang anak, kami ng dalawang anak. Parang ‘yung buhay mo mayroon nga ng purpose kumbaga. Tapos parang everyday parang ang sarap gumising ta’s hinahanap mo ‘yung pamilya mo.”

Bigla namang napatanong si Melai dahil sa huling pangungusap na binitiwan ni Jason: “Totoo? Masarap gumising sa tatlong Melai?”

“Totoo ba?” segunda pa ni Stela.

“Mahirap. ‘Di naman ganoon kadali kasi nga ‘yung ingay nila,” sagot ni Jason.

“Actually tatanungin ko pa lang kung paano mabuhay ng may tatlong Melai,” natatawang sabi ni Regine.

“Tanong din ho ‘yan ng karamihan. Pero sa akin, challenge na masaya. Pero pagkabiglang tatahimik na sila, mare-realize mo minsan na gusto mong marinig ‘yung kaingayan,” saad ni Jason.

Sadyang may mga oras lang daw talaga na gusto niyang magseryoso siya. Kaya ang ginagawa niya, pinagsasabihan niya ang mga ito na baka puwedeng tumigil muna. O kung hindi man, siya na lang ang lumalayo.

Matatandaang kamakailan lang ay sinabi ni Jason na si Melai umano ang pinakamaingay na babaeng nakilala niya.

Nagkakilala ang dalawa sa "Pinoy Big Brother."

MAKI-BALITA: Jason tinawag si Melai na ‘pinakamaingay na babaeng kilala’ niya