Matapos ang mahigit isang dekada, muling bumista ang aktres na si Iza Calzado sa bakuran ng GMA Network.

Kaya naman, hindi niya napigilang maging emosyunal nang sumalang siya sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Martes, Nobyembre 14.

Tinanong kasi siya ni Abunda kung ano ang kaniyang naramdaman nang muli siyang makatuntong sa network na dati niyang naging tahanan.

“Actually, Tito Boy, akala ko I would be sentimental kasi, of course, pagbabalik ko. Pero ang unang-unang naisip ko…kasi nagpa-picture ako doon sa may statue. Tumingin ako doon sa gazebo, na-miss ko ‘yung tatay ko kasi laman siya n’on, e [gazebo],” saad ni Iza.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Dagdag pa niya: “Kung nakatrabaho n’yo ‘yung tatay ko dito [sa GMA], nagsisigarilyo ‘yun, nakatambay. And somehow I guess I visualized him greeting me with a warmest smile.” 

Tuluyan nang sumabog ang luha ni Iza kaya nilapitan na siya ni Boy para aluin.

Si Iza ay anak ng dating TV director na si Lito Calzado na pumanaw noong 2011 sa edad na 65 dahil sa liver cancer.