Usap-usapan nina Cristy Fermin, Romel Chika, at Wendell Alvarez ang mag-asawang Heart Evangelista at Chiz Escudero sa latest episode ng “Showbiz Now Na” nitong Martes, Nobyembre 14.

Naitanong kasi ni Cristy kung ano raw ang komento ni Wendell sa isang eksena kung saan pinaghawak ni Heart si Escudero ng banner ng Heart World Paris Fans Club.

“Parang ginagawa na lang niyang si Senador Chiz Escudero na laruan,” sabi ni Wendell.

Matatandaan kasi na kamakailan lang ay napansin ng netizens ang plakadong-plakadong kilay ni Escudero na suspetsa nila ay si Heart ang dahilan.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

MAKI-BALITA: Sey mo Heart? ‘Plakadong kilay’ ni Sen. Chiz, pinagdiskitahan sa socmed

“Tapos ‘pag sinabi ni Heart na ganito isuot mo, ito naman si Senador Chiz, papayag naman. Ganito naman isusuot niya,” ani Wendell.

MAKI-BALITA: ‘Say Chiz!’ Heart, sinabing nasa fashion era na talaga ang mister

Dagdag pa niya: “Kaya siguro pag sinabi siguro na ‘sige hawakan mo ‘yung ano dyan, ‘yung banner’, hinawakan naman ni Senador Chiz.”

Tila hindi talaga makakaligtas si Heart sa mga batikos at intriga sa kaniya ng mga tao dahil ang asawa niya ay may mataas na posisyong hinahawakan sa pamahalaan.