Hindi nakaligtas sa matanglawin na mga netizen ang naging endearment sa isa't isa nina Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee at kaniyang katunggaling si Miss Thailand Anntonia Porsild.

Nagkomento kasi ng tatlong emojis na may heart eyes si Miss Thailand sa isa sa mga Instagram post ni Michelle kung saan ipinamalita niyang may higit 600k followers na siya sa Instagram.

"HAPPY 600k #MMDVERSE!!! 🥹 #BAYANIHAN!! 🇵🇭."

"An all denim smile-filled day just felt right today! 🥹😄," ani Michelle sa caption.

National

ITCZ, magdadala ng mga pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa

View this post on Instagram

A post shared by MMD (@michelledee)

Napansin naman ni Michelle ang komento rito ni Miss Thailand kaya kinuha niya ang atensyon nito.

"Hey mommy!" aniya.

Reply naman ni Miss Thailand, "Hi daddy."

View this post on Instagram

A post shared by MMD (@michelledee)

Photo courtesy: Michelle Dee (IG)/via Fashion Pulis

Umani naman ito ng komento at reaksiyon mula sa mga netizen. Anila, mukhang bukod sa korona ng Miss Universe ay baka lovelife na ang maiuwi niya sa Pilipinas.

"Naku hindi yata korona ang balak masungkit kundi puso ni Miss Thailand!"

"Pokus lang muna tayo sa laban bago ang kilig haha."

"Naku, baka 'yan pa maging dahilan di nya pagka panalo. Wag na muna sana while hindi pa tapos coronation."

"Matalo man sya sa ms. U, uuwi pa din syang panalo haha."

"Korona ang iuwi hindi kapwa contestant! Anteeee... eyes on the crown!!!"

"May magkakadevelopan chz! Pero meron na dati kinasal na beauty queens, MU ba yun?"

Samantala, matatandaang inamin ni Michelle na isa siyang bisexual.

Hindi naman kumpirmado kung may namumuo bang "something" sa dalawa. Ayon kasi sa mga tsika ay may jowa itong si Miss Thailand, bagama't si Michelle ay wala pa namang nababalitaang special someone.