Ibinahagi ni House Speaker Martin Romualdez ang kaniyang mensahe para sa kaniyang ika-60 kaarawan ngayong Martes, Nobyembre 14.

"I dedicate the rest of my life serving you better," ani Romualdez nitong Lunes, Nobyembre 13, nang tanungin siya hinggil sa kaniyang birthday message.

"At 60 years old, I want to dedicate all my life serving even better," dagdag pa niya.

Nagpahayag naman ang House leader ng pasasalamat sa kaniyang mga kapwa mambabatas sa Kamara hinggil sa pagsisikap umano ng mga ito sa paglilingkod sa bayan.

National

Ex-Pres. Duterte, itinangging nag-alok ng ‘cash rewards’ para sa drug war

“Your hard work, dedication, and resilience are the driving forces behind our remarkable achievements,” ani Romualdez.

“Let us continue to work hand in hand, with integrity and commitment, as we steer this House towards greater heights,” saad pa niya.

Si Romualdez ang kasalukuyang leader ng Kamara na mayroong mahigit 300 mga mambabatas.