Inulan ng batikos ang naging pahayag ni Senador Grace Poe tungkol sa pagpayag ng Muntinlupa Court na makapagpiyansa si dating Senador Leila de Lima nitong Lunes, Nobyembre 13.

Sinabi ni Poe sa kaniyang X post nito ring Lunes, na hindi makatarungan ang manatili ng mahabang panahon sa loob ng kulungan.

‘Precious freedom!’ De Lima, nakalabas na ng Camp Crame

“Seven years of incarceration is long and arduous,” ani Poe.

Dagdag pa niya, “Mayaman o mahirap, hindi makatarungan ang manatili ng mahabang panahon sa kulungan dahil sa mabagal na proseso ng batas.”

https://twitter.com/SenGracePOE/status/1723987590863532469

Tila hindi na nagustuhan ng mga netizen ang naturang pahayag ni Poe dahil binalikan nila ang naging desisyon noon ng senadora tungkol sa pagpapatalsik umano kay De Lima bilang chairperson ng Senate Committee on Justice and Human rights noong 2016, dahil sa pag-iimbestiga sa umano’y extrajudicial killings sa ilalim ng pamumuno ni dating Pangulong Rodrigo Duterte noong alkalde pa ito sa Davao City.

Sa reply ng netizens sa naturang post ni Poe sa X, tila gigil ang mga ito:

“Isa pa to. Diba tahimik ka dati? Bat ngayon may pa statement ka? Luahhh”

“Wala ka namang ginawa mema ka lang palagi. You voted to oust her in Senate.”

“Luh. Biglang nabuhay si Ante. Clout chaser yarn? Nasaan ka the past 7 years? Wag kami.”

“Of course, it's time to make a statement now that @AttyLeiladeLima

is granted permission to post bail. The question is what did you do about it all these years --- and then,gusto mo pa mag-Presidente ng Pilipinas?”

“Wala ka namang ginawa nyetang to”

“Yeah right. Linis linisan ka na naman. But you voted to oust De Lima.”

“Di mo masabi ang name niya kasi wala ka namang ginawa.”

“Tigas ng Mukha mo din no. Feeling concern samantalang Pipi ka nga nung kinulong si Leila de lima  tapos Oust de lima . The Nerve . San kayo kumukuha ng Kapal ng mukha”

“naks may paganyan pa, noon tahimik kang tanga ka”

“Grace Poe has no moral ascendancy  to speak up on Leila De Lima for she did not stand up to seek for the truth, mas pinili nyang pumanig sa kasinunghalingan. Ang senadorang walang sarling conviction!”

“Can someone remind her na bumoto sya to oust De Lima? Shame. Baka bumangon si Panday. Di sya proud sa ginagawa mo.”

“Napakaplastik niyo po sa totoo lang. Nakakarimarim after you voted De Lima to be ousted from Senate. Same din ng ginawa niyo sa franchise ng ABS nun nag abstain kayo for provisional franchise. Kung ako sainyo dedelete ko nalang tong tweet niyo nato kasi ang plastik plastik po.”

“Ano ba ginawa mo para kay sa kanya”