Ibinahagi ng beauty queen-actress na si "Herlene Budol" na nasasaktan siya noon kapag tinatawag siyang "Hipon Girl."

Ang ibig kasing sabihin kapag tinawag kang "hipon" ay "tapon-ulo, kain katawan."

"Parang hindi naman deserve ng tumawag sa akin, ha?” ani Herlene sa panayam sa kaniya sa "Fast Talk with Boy Abunda" kasama si Maxine Medina kamakailan.

“Nagtatanong din ako sa sarili ko, ‘Ganoon ba ako kapangit?’" dagdag pa niya.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Ngunit nang sumali na nga siya sa beauty pageants at naging ganap nang artista, ibang-iba na nga ang hitsurahan ngayon ni Herlene.

Actually, hindi na nga siya tinatawag na "Hipon Girl" ngayon kundi "Magandang Dilag" na. Kaya naman akmang-akma sa kaniya ang tema ng kaniyang serye sa hapon sa GMA Network.

Ngayon daw ay mas nakatulong ito upang mapanumbalik ang kaniyang tiwala sa sarili.

“Noong tinatawag na akong ‘Magandang Dilag,’ doon ko naramdaman ulit ‘yong respeto. Hipon turned to ‘Magandang Dilag,’ na-boost ulit ‘yong confidence ko na, puwede palang magbago ang isang bagay,” aniya.