Sumalang ang aktres na si Louise Delos Reyes sa programang “Cristy Ferminute” nitong Lunes, Nobyembre 13.

Sa panayam ni showbiz columnist Cristy Fermin, itinanong niya kay Louise ang tungkol sa relasyon nito noon kay “Asia’s Multimedia Star” Alden Richards.

“Curious lang ako. Noon bang magkasama kayo ni Alden, was there ever a time na naging close kayo at nagparamdam siya sa ‘yo na, alam mo na, manliligaw sa ‘yo or nagkagustuhan ba kayo?” tanong ni Cristy.

“Parang wala pong ganoon. Pero ‘yung close as in close na pinapayagan kami ng Mom ko. Kasi sa sasakyan ko before, mayroong single bed. So, ‘pag hinahatid namin si Alden before kung saan siya sasakay pauwi ng Sta. Rosa. So, minsan magkatabi kami. Pero, I think kasi, alam na namin before pa na platonic ‘yung friendship namin,” tugon ni Louise.

National

Painting ni Amorsolo sa private museum sa NegOcc, ninakaw!

Dagdag pa niya: “Kahit magka-love team kami, nandoon ‘yung relationship namin sa isa’t isa. And at the same time kapag nag-aaway kami, para kaming mag-jowa. Pero alam mo ‘yun, magbabati kami. Ta’s magiging okay na lahat. And kapag may problema siya ganoon din siya sa akin.”

Proud na proud naman si Louise sa narating ngayon ni Alden bilang artista. Sa katunayan, puwedeng-puwede na nga raw siyang ihatid nito gamit ang helicopter.

Matatandaang si Louise ang isa mga unang nakatambal ni Alden noong nagsisimula pa lamang ang showbiz career nito.

Nagkasama silang dalawa sa mga sumusunod na proyekto ng GMA Network: '”Alakdana”' (2011), “Tween Academy: Class of 2012” (2011), “One True Love” (2012), at “Mundo Mo'y Akin” (2013).