Kinilig ang mga netizen sa naging "not so friendly date" nina Donnalyn Bartolome at JM De Guzman na mapapanood sa &t=760s">vlog ng huli.

Pumayag si Donnalyn na sumama kay JM sa isang date; sa isang yate at dinner afterwards.

Nakakaloka dahil batay sa pag-uusap nila, halos isang taon na palang naniningalang-pugad ang "Linlang" star sa social media personality.

Pero kebs daw si JM sa haba ng paghihintay niya.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

"Na-appreciate ko 'to. Thank you sa surprise mo," anang Donnalyn habang nagdi-dinner sila ni JM.

"Saka alam mo in fairness sa 'yo ha, isang taon na, hindi ka pa rin sumusuko. Galing mo ro'n ha?" dagdag pa niya.

"Ilang taon pa ba?" tanong ni JM.

"Bakit hindi ka sumusuko? Gaano ba katagal ang kaya mong hintayin?" balik na tanong ni Donnalyn.

Sagot naman ng aktor, "Hindi ko nga naiisip 'yon eh, na naghihintay ako..."

Anyway, inamin naman ni JM sa isang ambush interview sa press na matagal na niyang sinusuyo ang kaibigang social media personality.

MAKI-BALITA: Not so friendly date: JM, Donnalyn naghawakan ng kamay sa karagatan