Inamin ni “Eat Bulaga!” host Buboy Villar ang totoong relasyon niya ngayon kay Kapuso comedienne at vlogger Jelai Andres.

Sa isang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Lunes, Nobyembre 13, tinanong ng “Asia’s King of Talk” si Buboy kung karelasyon na umano nito si Jelai.

“Kayo na nga ba ni Jelai Andres?” usisa ni Boy.

Tugon ni Buboy: “Hindi po, Tito Boy.”

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Tila hindi nakuntento si Boy sa nakuhang sagot mula sa dating child star kaya muli siyang sumundot ng tanong.

“Buboy, wala bang mga pagkakataon na sumasagi sa ‘yong isipan ‘pag tinititigan mo si Jelai na: ‘Bakit hindi?’”

“Actually, Tito Boy, maraming beses na po ‘yan,” sagot ni Buboy.

Pero pag-amin ni Buboy, hanggang ngayon, nanatili pa rin umanong palaisipan sa kaniya ang tanong na ‘yun. 

Naka-focus daw kasi siya sa mga goal niya sa buhay lalo pa’t may dalawa siyang anak. 

Matatandaang hindi ito ang unang beses na napagkamalan na magkarelasyon sina Buboy at Jelai. Sa katunayan, Setyembre noong nakaraang taon, may isang pahayagang nang-intriga sa real score nilang dalawa.

MAKI-BALITA: Jelai Andres, tawang-tawa sa headline ng isang pahayagan tungkol sa kanila ni Buboy Villar