Na-hot seat ang isa sa "Gwapings" member na si Eric Fructuoso sa show na "Sarap 'Di Ba?" nang matanong ng host na si Carmina Villaroel kung totoo bang nakarelasyon niya si Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga-Soriano.

"Totoo ba, na nagkarelasyon kayo noon ng TV host-actress na si Toni Gonzaga?" tanong ni Mina.

Makikitang tila natigilan si Eric nang ilang segundo bago magsalita.

"Parang 'di ko inexpect 'yon ah..." natatawang sabi ni Eric.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

"Actually ako rin," sundot naman ng host.

Tiniyak pa ni Eric kung sinong Toni Gonzaga ito, at sey naman ni Mina, iisa lang naman ang Toni Gonzaga ngayon.

"Oo meron... (tawa), tinanong pa eh...

"Ah so nagkaroon kayo ng relationship?" muling tanong ni Mina.

"Yes, yes..." pagkumpirma ni Eric.

Mas nauna raw ang naging relasyon nila ni Claudine Barretto kaysa kay Toni.

Sundot na tanong ni Carmina ay kung gaano katagal ang kanilang naging relasyon.

Sey naman ni Eric, kung pagsasamahin daw ang "wala lang" at may commitment, aabot daw ng almost tatlong taon.

"Ang tatagal ng relationships mo ha?" hindi makapaniwalang reaksiyon ni Carmina.

"Hindi naman ako chickboy, minamahal ko naman..." sey naman ni Eric.

Kasama rin sa nabanggit na panayam si Jao Mapa.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni Toni hinggil sa isyu, na kamakailan ay napabalitang tila babalik na rin ulit sa ABS-CBN.

MAKI-BALITA: Toni Gonzaga usap-usapang babalik sa ABS-CBN