Kahit anim na taon na ang nakalilipas at may bagong boyfriend na, hindi pa rin nakalimutan ni Janica Nam na dalawin ang puntod ng namayapang ex-boyfriend na si Hashtags member Franco Lumanlan, batay sa kaniyang Instagram post noong Sabado, Nobyembre 11.

Nagbigay-pugay si Janica kasama ang kasalukuyang boyfriend na si "Lorenz" sa dating karelasyon na nasawi noong 2017 matapos malunod sa karagatan ng North Lamidan, Don Marcelino, Davao Occidental dahil sinalpok ng malakas na alon ang kanilang sinasakyang bangka.

National

Rep. Ace Barbers, sinampahan ng patong-patong na kaso ng 'vloggers'

View this post on Instagram

A post shared by Cornerstone Entertainment Inc (@cornerstone)

Kuwento ni Janica, dead on arrival si Franco nang isugod ang boyfriend sa ospital.

Kasama si Lorenz ay nag-alay sila ng mga bulaklak sa puntod ni Franco.

"6th year in heaven," caption ni Janica sa kaniyang IG post.

View this post on Instagram

A post shared by nam ☾ (@janicanam)

Pinusuan naman ng mga netizen ang post at akto ni Janica dahil kahit may bago na ngang karelasyon ay hindi pa rin nakalilimutan si Franco.

"6years ago a agad parang kailan lang napakabilis ng panahon at oras..Forever niya.."

"ang genuine ng pagmamahal mo kay hashtag franco ate janica, hanggang ngayon kahit may bf kana di ka parin nakakalimot, and ofcourse sa boyfriend mo now kasi support siya, hindi siya nagseselos."

"Lorenz is so supportive 😊."

"Grabeee un Love mo Janica. ❤️ And the respect of Lorenz superb. ❤️"

"You are very lucky to have a partner who's very supportive.."

"I am so amaze with you Ate @janicanam hanggang ngayon even may partner kana still you have time na ma visit si Franco😍😍♥️♥️."