Posibleng umanong kagagawan ng sindikato ang pagdagsa ng mga namamalimos sa Metro Manila.
Ito ang pahayag ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian sa isang television interview nitong Linggo ng gabi.
Aniya, nagsasagawa pa sila ng imbestigasyon dahil mayroon umanong isang sindikato na sinasamantala ang mga indigenous people.
National
Sen. Imee, tila sinusuka na ng kampo ng Marcos at Duterte – Ka Leody
“Syndicated ‘yung pagdadala nila sa Manila… Kakasuhan natin ng human trafficking ‘yung mga ‘yun,” aniya
Aminado naman ang Metro Manila Council (MMC) na hindi pa napapatunayang ang pagkakasangkot ng sindikato sa mga nagpapalimos sa mga lansangan sa National Capital Region.
Pinaiimbestigahan na sa pulisya ang usapin, ayon pa sa MMC.