May mensahe ang showbiz columnist at talent manager na si Ogie Diaz sa bashers na kumukutya sa kaniya dahil nabubuhay raw siya sa tsismis.

Aniya sa kaniyang Facebook post nitong Linggo, Nobyembre 12, "'Pinagkakakitaan nyo ang buhay ng mga artista! Galing sa tsismis ang ipinangkakain nyo sa pamilya nyo!'"

"Tongue enuh netong mga ‘to! Ganyan silang mga delulu fans pag ayaw nila ng balita mo tungkol sa idol nila.

Pero pag pinuri-puri mo naman ang mga idol nila, di naman nila naiisip na galing sa tsismis ang ikinabubuhay namin. Kung minsan, 'Magkano ibinayad sa yo para purihin sila?'"

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

"Queen ina n’yo, saan pa namin ilalagay ang sarili namin, dahil di namin kayo ma-spelling?"

"Baket? Anong akala nyo ba sa mga idol nyo, perfect?! Hindi nagkakamali? Hindi nalilihis ng landas? Tama lahat ang desisyon at palakad sa buhay? O eh bakit hindi nyo ikampanya para ma-beatify na para tuluyan nang maging santo? Peck peck n’yong blue."

Photo courtesy: Ogie Diaz (FB)

Nag-ugat ito nang palagan si Ogie nang mga tagahanga ng KathNiel at ni Andrea Brillantes tungkol sa nabalita niyang diumano'y palihim na nagkikita sina Daniel at Andrea, batay sa sitsit ng kaniyang source.

MAKI–BALITA: Sitsit ng source ni Ogie: Daniel at Andrea, palihim na nagkikita?

Nag-trend pa ang "OGIE DIAZ FAKENEWS PEDDLER" sa X dahil dito, bagay na inalmahan naman niya upang depensahan ang sarili.

MAKI-BALITA: Fans nagwala: Ogie Diaz trending sa X

Sa kaniyang vlog naman na "Ogie Diaz Showbiz Update" ay muling ipinaliwanag ni Ogie ang kaniyang panig tungkol sa isyu.

MAKI-BALITA: Ogie Diaz sa KathNiel fans: ‘Wag kayong magalit’