Inamin ni showbiz columnist Ogie Diaz na wala pa umano siyang nakakagalit na artista sa kabila ng mga kontrobersiyal na ibinabalita niya.

Sa latest episode kasi ng “Showbiz Updates” nitong Linggo, Nobyembre 12, tinanong siya ng kaniyang co-host na si Mama Loi kung may nagalit na umano sa kaniyang taga-showbiz dahil sa mga ibinabalita niya kamakailan.

“Wala,” mabilis na sagot ni Ogie, “wala pa. So far.”

Bagama’t inamin niya rin na hindi naman umano maiiwasang may makatampuhan at makaaway siya sa matagal na panahon niyang pagtatrabaho sa showbiz industry.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Matatandaang pinutakti si Ogie ng mga netizen nang itsika niya sa kaniyang vlog ang tungkol umano sa palihim na pagkikita nina Daniel at Andrea Brillantes. 

MAKI-BALITA: Sitsit ng source ni Ogie: Daniel at Andrea, palihim na nagkikita?

MAKI-BALITA: Fans nagwala: Ogie Diaz trending sa X

Bukod pa rito, ibinalita rin niya na matatanggal umano si Baron Geisler sa teleseryeng “Senior High” dahil sa behavior issue.

MAKI-BALITA: Baron Geisler, tatanggalin na sa ‘Senior High’?

Pero ilang araw matapos kumalat ang isyu, pinabulaanan ni Baron at ng kaniyang talent manager ang tungkol dito.

MAKI-BALITA: Baron, nagsalita na sa isyung natatakot sa kaniya ang mga ‘Senior High’ co-star

MAKI-BALITA: Arnold Vegafria nilinaw ‘behavior issue’ na muling ipinupukol kay Baron Geisler

Sa kabila nito, nanindigan pa rin siya at sinabing wala umano siyang balak mag-public apology.

MAKI-BALITA: Ogie Diaz, nanindigan sa sinabi kay Baron: ‘May isyu naman talaga’

MAKI-BALITA: Ogie Diaz, walang balak mag-public apology kay Baron Geisler

Pero sa latest episode ng “Showbiz Updates”, humingi na si Ogie ng paumanhin sa lahat ng artistang na-offend niya.

“Kung na-offend man ‘yung iba sa aming mga binabalita rito, sa pangkalahatan po, ha–in general–kami po ay humihingi ng sorry. Sa mga artista po, na feeling nila na-offend namin sila, sorry po,” aniya.

Hiling din niya na sana’y maging balanse ang mga tao. Kapag pinuri o sinuportahan, magpasalamat. 

Ang iba raw kasi, kapag may ibinalita silang hindi angkop sa pandinig ng mga ito, nagagalit. Nakakalimutang bago pa man sila magbalita ng negatibo, nauna na umano silang pumuri at sumuporta.