Sinita ng isang netizen ang Kapuso comedienne na si Lovely Abella matapos niyang ibahagi ang bagong car seat ng baby nila ng mister na si Benj Manalo.

Ayon sa Instagram post ni Lovely, napagdesisyunan na nilang mag-asawa na i-car seat na si Baby Liam dahil mas delikado raw kung lagi niyang karga ang bata habang nasa loob ng kotse.

"As a mom, gusto ko comfortable ang anak ko kahit ako hindi, for how many weeks lagi ko lang siyang buhat na mas delikado [sa kaniya] and now nagdecide kami na [i-car seat] na siya and napakasaya ng puso ko na relax and comfortable siya 😊 at relax na relax din ako habang katabi siya."

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Sa bandang dulo ay nagpasalamat si Lovely sa napagbilhan niya ng magandang car seat ni Baby Liam.

Ngunit sa comment section, isang "concern netizen" ang nagbigay ng reaksiyon tungkol dito.

"My apologies if this comment may sound not helpful /unnecessary," anang netizen.

"I just noticed the car seat doesn’t have the chest clip and the harness seems too loose. I’m not sure if there’s a standard/proper way of placing the car seat harness ( tightness/snugness in the Philippines. Car seats do save lives, but I think it would be more beneficial if proper standards should be established."

Simpleng tugon ni Lovely, "maam mukhang loose lang po maam pero mahigpit po yan. Thanks po."